THOUSANDS OF FREE BLOGGER TEMPLATES

Please Remove The Earwax.

Friday, January 25, 2008

thanks to dang. i dunno which one applies. oh wait. i think im the 3, 4, 6, and 11 kind of girl. LOL.

Bakit ka Single hanggang ngayon?
11 reasons.

1. Destiny Adik
Eto yung mga naghihintay kay "Destiny", na gumawa ng paraan para pagtagpuin sila ng kanilang mga "partner in life".. Ayan ha, kapapanood ng "Serendipity" eh feeling nila ang nangyari sa movie eh mangyayari rin sa kanila such a cliche.. Hindi ba nila alam na kung walang effort, destiny is useless?


2. Perfectionist/ Mapili
Yes, isang taong perpeksiyonista. Yung tipong, "Dapat ganito ang magiging partner ko!". Pag may nakilala, nakita lang na pangit ang kuko o may dumi lang, turn-off na agad. O kaya ang daming ayaw. Ayaw sa mabait kias boring daw. Gusto bad boy/pilya pero kapag pinaiyak ka tatanungin ka bakit ang sama mo, bakit mo nagawa yung ganon. HAHAHA classic! Ayaw sa cute, ayaw din naman sa panget. Meron dyan gusto ka, ayaw mo naman.. Yung gusto mo halos magtumbling ka pero deadma pa rin yang stunts mo sa kanya! Pasaway ka rin e! Ano ba talaga kuya?


3. Busy-busyhan
Opo, eto yung ang mundo e gumagalaw lang sa libro at ballpen (kung estudyante ka). O kaya naman sa computer at files (kung office staff ka). Yung tipong aalis ng bahay ng alas 6 o alas 7 ng umaga at uuwi ng bahay ng 6 hanggang alas 8 ng gabi [baliktad naman para sa mga nag-tatrabaho sa call center]. Sabay tulog na. Kapag sabado masaya na sila sa tv, sa pagkain na niluluto ni mama at sa linggo naman sisimba at maghahanda na ng kelangan para sa lunes hanggang byernes. Pssssst.. Pause for awhile.


4. Friendship Theory
Ano naman ito? Eto yung ang buhay ay kay bestfriend o kaya kay special friend na hindi masasabi sabi sa friendship nya sa loob ng kanilang mahabang panahon na pagsasama dahil baka daw maapektuhan ang pakikipagkaibigan at iwasan sya. Yung tipong pag may kasama si friendship na iba, nagseselos na wala naman sa lugar, pero syempre wag pahalata, kunyari happy sya for friendship. ABA! Oi lakasan mo ang loob at baka mamaya forever mong pagsisihan yan! Ikaw rin. Minsan pa naman pareho kayong naghihintayan.. Hmmp! Mahirap ito!


5. Born-to-be-one
Eto yung nasa palad na ang pagiging single daw. Walang reasons. Basta lang nabuhay sya sa mundo na mag-isa at feeling nya mamatay sya sa mundo ng mag-isa. Kesyo magmamadre o magpapari na lang. Hala sige! Oo na lang!


6. Happy-go-lucky
Eto yung taong walang alam kundi kasiyahan at trippings. Kahit sino nalang basta no string attach. For fun lang daw... Walang halong seryosohan. Aba oi! Yang init ng katawan mo e ikiskis mo nalang sa pader.


7. Wrong Place
May nakaranas na ba nito? Yung pakiramdam mo nasa ibang mundo ka. Yung ang nakakaharap mo e yung mga hindi mo gusto, yung mga hindi mo hinahanap. Alam mo yun? Halimbawa nasa ibang bansa ka, pero ang hinahanap mo e yung amoy ng nasa sariling bayan mo. O kaya naman e nasa sarili mong bayan ka, nasa normal na lipunan, pero ikaw ang abnormal at hindi mo kayang sabihin na abnormal din ang hanap mo kung ayaw mong ibitin ka nila ng patiwarik.


8. Wrong Time
Eto yung mga tao na sinasabi na, "Hindi pa ako ready eh! Bata pa kasi ako!", o kaya naman, "Hindi pa ako handa sa panahong ito, wala pa ako kayang ipagmalaki." Yes meron pong ganyan. Yung feeling nila may tamang panahon para sa love. Awwwwwww. Aba kelan yun? Pag uugod ugod ka na at yung time mo e bitin na? O baka naman pag pang-out of time ka na? Oist, sugod lang ng sugod.


9. "Si parents kasi!"
Yes, factor din ang komyunidad na ginagalawan mo. Una, ayaw pa ni mader o pader na magkaron ka kahit 22 anyos ka na at kelangan umabot ka muna raw ng 40 bago magkaroon ng gf/bf. O kaya naman ikaw mismo! Takot ka sa sasabihin ni parents at ni kapitbahay na tsismosa sa magiging kasama mo. O sige, si parents kasi!


10. Traumatic Experience
Eto kalimitan ang reason ng marami. "Ayaw ko na!!! Takot na ako mangyari pa ang nangyari dati!" O diba ang drama ng life? Yes, tama ka. Eto yung dahil sa past relationship mo, e until na ayaw mo ng magkaroon at sinumpa mo na ata ang magmahal. Dahil sa pinagpalit ka sa mas pangit, o kaya naman iniwan ka ng walang word na bye-bye, o dahil binugbog ka! Ano pa ba? Madami yan wag na nating isa-isahin at baka tumulo si tea. Gayunpaman, eto lang masasabi ko. Mga hija at hijo, ibat-iba ang lasa ng pag-ibig. May mapait, may mapakla, may matamis at may maasim. Aba! Mapalad ka at natikman mo ang ibat-ibang lasa nito. Kaya ikaw, don't be afraid to fall in love again! Malay mo sweetness na ang malasahin mo next time. E di panalo ka sa lotto. Yan ang nagpapalakas sayo! Yang ang bumubuhay sayo, ang pag-ibig. Tsk! Drama!


11. EX to the nth power
Aminin! Love parin si ex kahit 1 or 2 yrs na ang nakakalipas. May ganito naman. Yung tipong ilang taon ang nakakalipas, hindi pa rin makalimutan si ex. Yung pinagsamahan, yung tawanan, yung iyakan, at lahat ng nangyari sa inyo nung kayo pa. Malungkot man at sa kung anumang kadahilanan, maganda man o masama ito, kelangan nyong magpaalam sa isa't isa. YES, after a year sasabihin natin, "Im over him/her na!", pero pag-usapan natin ang love at ang nangyari sa ating relastionship from the past, TADANNNNNNNNNNNNN, eto na, siya agad ang naalala mo. At habang nagkukwento ka, ouch may kirot, o kaya may ngiti at may bumabagabag sa ating kalooban. Ano kaya yun? AMININ mo na kasi MAHAL mo pa si EX. Isa lang ang masasabi ko, well mahirap sya kalimutan alam ko yan pero open your heart and makipagdate ka, lumabas ka, at try to entertain someone. Wag mo ikumpara si ex sa iba. At give yourself a KITKAT, take a break.

---haha,nakakatuwa noh? nakita ko lang toh sa blog nung isang friend,SALAMAT HA,Ü


o,ikaw? ANU DAHILAN MO AT SINGLE KA PA?

0 strangers: