1. Each blogger starts with ten random facts/habits about themselves.
2. Bloggers that are tagged need to write on their own blog about their ten things and post these rules.
3. At the end of your blog, you need to choose ten people to get tagged and list their names.
4. Don't forget to leave them a comment telling them they're tagged, and to read your blog.
Tagged by J9. 10 random things about me:
a. Ga-graduate akong Journ major. Come graduation day (if ever man sabay kaming ga-graduate – be optimistic!) ako na lang ata ang maiiwang BA Journalism sa K5. Kebs, united colors of UP na ang block namin. Bongga!
b. Die-hard fan ako ng My Chemical Romance. More specifically, ni Gerard (vocalist) at Mikey (bassist) Way. I have this feeling na magkakakilala kami before man kami mamatay. No, hindi yung tipong fan-meet-idol type of meeting; nafo-foresee ko na ang mala-serendipity naming pagkikita. Frustration kong mapakasalan ang kahit sino man sa kanilang dalawa (kahit pa man 30 na si Gerard at nasa late 20s na si Mikey). Unfortunately, pareho na silang attached (and married – I think). Kebs. Libreng mangarap.
c. Madali akong ma-inlove. Yung tipong uber bait ka lang sa akin at mahuhulog na ang loob ko sa iyo. Kaya nga madami akong nagugustuhan at the same time eh; ang masaklap pa doon, puro hindi matino ang mga lalake/situations na napipili ko. Mga masasaklap na halimbawa:
1. taga-FA na walang direksyon ang buhay (disclaimer: hindi ito si Rollie);
2. taga-FA na may girlfriend na, lumalandi pa rin. Oo, alam kong may gf na siya, pero sa dahil love knows no reason daw, nagpa-uto naman ako sa kanya (aie, redundant na – siya pa rin yung nauna);
3. lalakeng pinag-aksayahan ko ng panahong mahalin, when in the end pareho palang lalake ang habol namin (disclaimer ulit: hindi ito si Lhenvita. Mahal ko si Lhen-lhen despite the fact na frustrated akong mas malandi pa siya sa akin – hehe);
4. lalakeng takot sa commitment dahil sa distance namin; nasa magkabilang dulo kami ng Pinas, at in a few months baka magkaibang dulo ng mundo pa;
5. mga situation kung saan nagsisimula sa friends, then close friends, special friends, more-than-friends-but-still-friends, more-than-friends-but-hanggang-friends-lang-talaga, then biglang poof. Nawawalang parang bula; at
6. lalakeng attached na. Period.
d. hindi ako mahilig sa isda. On second thought, hindi ako kumakain ng isda. That is, if given the circumstances:
1. gutom na ako at wala nang ibang ulam;
2.gutom na gutom na ako at wala na talagang ibang ulam; or
3. gutom na gutom na talaga ako.
e. yes, emo po ako. Ako na daw ang pinakamasayang emo sa balat ng lupa. Chos.
f. may bouts of depression ako. One minute, wa-poise akong humahalakhak; the next minute, anti-social mode na ako. Feeling ko talaga may psychological problem ako. Or dala lang siguro ng regla. Ewan ko ba.
g. Mahilig akong sumayaw. As in sobrang mahilig akong sumayaw. Sobra. Mahilig. Sayaw. Need I say more?
h. Addict ako sa libro. Impossible dream ko ang library ni Beast sa Beauty and the Beast. Kung kaya’y if may plano kayong regaluhan ako sa susunod kong birthday, libro na lang ang ibigay niyo. Bonus pogi points pag hardbound at part of a series of collection siya.
i. I’m on a diet. Pero hinding-hindi ko mahihindian ang chocolates, coffee, gummy bears at worms, Nestea iced tea, Chef Tony’s moccachino and light popcorn, French fries ng Jollibee, lasagna ng Greenwich, chocolate Bavarian doughnuts ng Mister Donut, at and palaging niluluto ng nanay ko pag special occasions: alimango at hipon in mushroom sauce. Xet, gutom na naman ako.
j. Dahil sa given na na kulot ang buhok ko, di ko na lang isasali sa listahan. Eto na lang: frustrated na lalake po ako. Minsan nga naiisip ko kung nagkamali lang si Lord sa binigay niya sa akin eh. HAHA. But that’s not to say na gusto ko, kapwa ko. Di no. Boyish lang talaga siguro. Proofs na tibo ako:
1. minsan na akong naadik sa Resident Evil at Need for Speed. Paborito ko and Nemesis at Underground, respectively.
2. hilig ko ang basketball, pero di ako marunong maglaro. Siguro sa arcade, oo.
3. I’d prefer panty-briefs and boxers over lacy thongs anytime.
4. horror movies over romantic-comedies. And problema lang, half of the movie nakapikit ako.
5. gusgusin akong tao. 4th year high school na nung nagkakilala kami nina lipstick, face powder, blush-on, eyeliner, at iba pang make-up. Hanggang ngayon, bibihira mo lang akong makikitang mag-aayos. According to them (sinong them?), late bloomer ako. Parang bulaklak lang eh. Naman.
6. wala pa akong naging boyfriend na tumagal ng isang taon. Sige nga,
let me see you try.
______________________________________________________________________________
Tag you! In no particular order:
1. J9 (wag kang umangal, ibabalik ko ‘to sayo)
2. Ponyang
3. Janoi
4. Meryam
5. Dang
6. Te Datsie / Glenn
7. Lhenvita
8. Nades
9.Kee
10.Nika C.

0 strangers:
Post a Comment